Ang workshop ng CPE ukol sa ??? ay nagpapalaganap ng kapayapaan sa pagitan ng mga mananampalataya ng mga relihiyong Islam at Katolisismo at iba pang mga relihiyon. Mas naintindihan ko ang mga bagay na konektado sa mga Muslim katulad nang mga labanan na nagaganap sa Mindanao at yung mga bagay na tungkol sa kanilang relihiyon. Mas naunawaan ko ang kanilang sitwasyon na sa bawat labanan na nagaganap sa kanilang lugae ay may mga inosenteng taong nadadanay at maraming mga bata at matatanda ang natatakot at nagkakaroon ng trauma. Natutunan ko na hindi masama ang ordinaryong mga Muslim at kapag nakipagtulungan tayo sa kanila ay mas uunlad pa ang bansa. Nalaman ko na sa bawat laban na nagaganap ay malaki ang nagagastos ng gobyerno natin na nakakapagpabagal sap ag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Dahil sa workshop na ito ay mas natuto akong maging sensitibo sa aking mga sinasabi. Nalaman kong may mga taong minamaliit ang mga Muslim at mas pinapansin nila ang mga ginagawang masama ng mga rebeldeng Muslim kaya hindi nila nakikita ang pwedeng maitulong ng mga Muslim sa ating bansa.
Maxene De Castro Miriam College Middle School
Enter your email address below to receive CPE news and updates in your inbox