Nang dahil sa scholarship na ibinigay ng MC Center for Peace Education, nakamit ko pa ang apat na taong kursong, Bachelor of Secondary Education, major in Technology and Livelihood Education, sa University of Southern Mindanao (USM) sa Kabakan, North Cotabato. Napatunayan ko po na ang kahirapan ay hindi kailanman hadlang sa pagkamit ng ating pangarap sa buhay. At wika nga, sikap at tiyaga rin. Sa apat na taon ko pang pananatili sa mataas na paraalan ng Rajah Muda, marami po akong natutunan hinggil sa usaping pangkapayapaan. Ito po ay dahil sa nabuong Twinning project sa pagitangn Rajah Muda National High School at Miriam College. Ang lahat ng natutunan ko ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para maging student leader ng University of Southern Mindanao para makapagsilbi sa kapwa estudyante.
Joharie Sanaday Esmail RMNHS Alumnus
Enter your email address below to receive CPE news and updates in your inbox