X

Abdulrahman Guiapal

posted on

Sa unang araw naming sa Miriam College, Diliman, Quezon City, sabik ang lahat sapagkat sa unang pagkakataon ay magkakasama kami ng mga mag-aaral mula sa Miriam. Naging masaya ang aming pagkikita sa kabila ng pagkahiya na aking nararamdaman habang nakikisalamuha sa kanila. Ngunit higit pa sa inaasahan ko ang aking natuklasan dahil ang babait at magalang silang makipag-usap na siyang nakapagpagaan ng aking kalooban. Maituturing silang mabuting kaibigan sa kabila ng agwat ng aming pamumuhay at pagkakaiba ng relihiyon. Tunay na masayang isipin na kaming mga mag-aaral nula sa dalawang paaralan ay nagkakaisa ang hangarin tungo sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa ating pamayanan.

Maraming salamat sa Miriam College at Rajah Muda National High School sa pagtataguyod ng ganitong mga programa na nakapagbibigay linaw sa tunay na kahulugan ng kapayapaan at nagging inspirasyon naming mga kabataan.


Abdulrahman B. Guiapal
Student, Raja Muda High School

| Categories: Testimonials | Tags: | Return
SUBSCRIBE

Enter your email address below to receive CPE news and updates in your inbox

Name