Mga binibini… mga kapatid (bata pa kasi ako) – wow, mga magtatapos. Kamusta?
Ipikit natin ang ating mga mata. Itaas ang mga braso para sa victory pose. Yun bang ang mga braso ay nasa korte ng letrang V. Ipagkunwari natin na tayo’y magba-bungee jumping o sky dive. O kaya’y umasta tayong parang makikipagboxing kay Pacquiao.
Madalas, ito ang ating larawan para sa katapangan or ang tinatawag na bravery.
Ngayon, tingnan natin ang ating katabi.
Hawakan ang kanyang mga kamay at taus puso nating sabihin – SORRY. Kung nasakatan man kita sa nakalipas na apat na taon, sorry.
Ngayon, yakapin natin ang ating katabi at pasalamatan natin sila.
Mga binibini – Katapangan din ito.
Ito ang katapangan na pang-araw-araw. Ito ang pangkaranwang katapangan.
Hindi lang to para sa kalalakihan. O para sa macho.
Ang katapangan ay hindi parehos ng lakas (strength)
O ng labis na pagmamataas. Over confidence or ego.
Ano ng aba ang katapangan?
Para sa akin, ang tunay na katapangan ay naroroon sa mga panahon ng kahinaan.
Ang pangkaraniwan na katapangan ay yung paglukso nang walang garantiya para sa tagumpay. Ang tunay na katapangan ay yung pagiging handa sa pagkabigo. Dahil sa totoo, wala naming garantiya ng tagumpay sa tunay na buhay.
Ang tanong – Lulukso ka pa ba kahit alam mong may 50% probabilidad para sa tagumpay at 50% rin para sa pagkabigo?
May ilan sa ating magsasabing – wag na lang, Kung hindi sigurado , wag na lang. Yan ba ng ibig sabihin ng ‘buhay’? Hindi ba’t habang may buhay , mayroong pagtuklas? May gulo, may saya, may misteryo ?
Ngayong sasabak na kayo sa mas malawak na mundo, hayaan nyo sana akong magbahagi ng ilang maiikling karanasan at pagninilaynilay ukol sa pangkaraniwang katapangan. Nais kong mag-iwan ng limang maiikling payo para sa pagpapamalas ng pang-araw-araw na katapangan.
1. Sabi nila ang tagumpay ay kombinasyon ng suwerte at galing. (Luck and skill)
Magdadagdag ako ng pangatlong sangkap: Magtanong.
Kung hindi mo alam ang sagot, wag magpanggap. Wag mag imbento. Magtanong.
May katapangan sa marunong magtanong at humingi ng tulong, ng payo, ng kasagutan.
Madalas akala natin, ang pagtatanong ay kahinaan. Nakakahiyang magtanong. Nakakhiyang umamin na hindi mo alam. Pinalaki din kasi tayong may paniniwala na dapat alam natin ang lahat. Masyado tayong nahuhumaling sa kung ano ang kaya nating gawin nang walang tulong, at dapat kaya natin ang lahat.
Ilan sa inyo ang class or club officer? Captain ng sports team? Ang panganay sa pamilya. Inaasahan tayo na dapat alam natin ang lahat, pero sa totoo lang, hindi natin alam ang lahat. At sa totoo, okay lang yun.
Nung 2015, ang mga pinakamabibigat na CEO sa mundo ay lumilipad sa Davos sa Switzerland. Pitumpu’t isang porsyento (71%) sa kanila ang umaamin na ang Duda (o Alinlangan) ay isang bahagi ng kanilang pamumuno sa araw-araw. Upang malampasan ang pagdududa sa sarili, humihigi sila ng tulong. Nobenta porsyento (90%) sa kanila ang nagsabi na nababawasan nila ang kanilang pag-atubili dahil pinapaligiran nila ang sarili nila ng mga taong mas magaling sa kanila, mga dalubhasa. Sa madaling salita, humihingi sila ng tulong.
Nagsimula ako sa NGO, nasundan ng trabaho sa korporasyon, at ngayon isa na akong negosyante. Nang iwanan ko ang mataas kong posisyon sa Shangri-la at dinesisyonan na itayo ang aking negosyo, isa itong teritoryo na wala akong alam. Ang ka-isa-isang negosyo na alam ko ay pagtinda ng Chinese jackstones nung grade school at chocolate crinkles (3-6, 4-7). Humingi ako ng tulong. Hindi pa ako nakapagtatayo ng negosyo. Galing akong NGO at korporasyon. Sabi sa akin ng aking team, kapag itinayo ko ang negosyo, matutulungan nila ako dahil mga dalubhasa sila. Kailangan lang nila ng magtatatag sa kanila. Alam kong kasama ko ang mga pinakamahuhusay na tao kung kaya nagkaroon ako ng kumpiyansa. Ngayon, mayroon na akong beinte sais (26) na tao na tumutulong itaguyod ang The Purpose Business, isang consultancy na tumutulong gawing pwersa para sa kabutihan ang mga malalaking negosyo sa Asia.
Mas madali ang trabaho ko, kasi humingi ako ng tulong. Nagtatanong ako pag hindi ko alam.
2. Mas magaling magturo ang kabiguan kaysa ang tagumpay.
(Mas marami tayong matututunan sa pagkabigo kaysa sa tagumpay.) Ang ibig sabihin ng pagiging matapang ay yung susubok ka pa rin, mabigo man o manalo. Huwag tayong matakot sa kabiguan.
Sabi ni Sochiro Hoda, ang tagapagtatag ng Honda Motors, “Ang iyong tagumpay ay kumakatawan lamang sa 1% ng iyong trabaho at ito ay bunga ng 99% kung kelan ka nabigo” .
Sa tagumpay may padiriwang. Maraming pagkikita, pagsasalo-salo. At dapat lang.
Pero kung bumagsak sa pagsusulit, natalo sa timpalak, hindi pumasa sa pagsubok (audition), hindi natin binubuksan ang bote ng champanya. Malamang ang iba sa atin ay magkukulong sa kuwarto, magmumukmok. Karamihan sa inyo ay babangon ulit at pupursigi—mas mahabang pagsasanay, mas subsob na pag-aaral, hihingi ng tulong, hanggang makakuha ng mas magandang bunga. Pinalalakas tayo ng ating pagkabigo.
Alam nyo ba na si Jack ay nag-apply ng mahigit pa sa 10 beses sa Harvard at di nakapasok? Kahit pa yung trabaho sa KFC di rin nya nakuha.
Subok lang, sabak lang. Ngayon, tingnan nyo sya.
Dies y siete (17) si Lea Salonga noong sumubok sya para sa Miss Saigon. Napahanga niya sina Mackintosh, Hytner, at Boublil sa kanyang boses pero sinabihan sya na masyado syang bata at kailangang maging mas hinog ang kanyang pag-arte. Maganda ang tugon sa kanyang pag-awit, pero hindi sa kanyang pag-arte. Isang kuwento ng pag-ibig ang Miss Saigon at noong mga panahong iyon, hindi pa na-in-love si Lea. Sa kanyang pagkabigo, bumango si Lea, humingi ng payo, kinausap ang mga mas nakatatanda at nagsanay. Nung 1991, nanalo sya ng Tony Award para sa kanyang pag-awit at pag-arte.
Araw-araw tayong nabibigo. Babalikan ko ang aking karanasan. Noong nag-masters ako sa UK, nakakuha ako ng scholarship. Ipinangako ko sa aking nanay na hindi siya gagastos kahit isang sentimo. Natanggap ako at nakapagtapos ng kursong Globalisation and Governance sa University of Birmingham. Nag-apply ako sa tatlumpung organisasyon, mula mga ahensya ng UN hanggang international NGOs at think tanks. Puro NO ang nakuha ko. Meron akong excel file bilang pampatunay. Pagkatapos ng apat na buwan na walang nararating at malapit nang matapos ang visa ko, tinawagan ko ang nanay ko para sabihing uuwi na ako. Sinundo niya ako sa airport at pareho kaming walang imik. Binigyan nya ako ng chocnut dahil isa ito sa nagpapasaya sa akin. Nagtago ako ng mga isang buwan sa bahay. Isang araw, sinabi ko sa sarili, Screw this, panahon na para baguhin ang mundo. Kung iisipin natin, baka wala ako rito kung nakahanap ako ng trabaho noon sa Europe. Hindi natin alam kung anong maaaring nangyari.
Tandaan, mas magaling magturo ang kabiguan kaysa ang tagumpay.
3. Matapang ang marunong tumanggi. Mas mahirap humindi kaysa umoo, kaya’t may tunay na katapangan ang pagsabi ng hindi o pagtanggi.
Sa Setyembre, papasok na kayo sa mga napili ninyong unibersidad. Maihahambing ko sya sa pagpasok sa isang apat-na-taong rock concert. Isa ito sa pinakamasayang panahon ng buhay ninyo. Papasok ang tugtugin sa inyong katawan, maraming makislap at makulay na ilaw, ma-indayog, nakahihilo, at maaari rin nakalulumbay.
Dahil sa gitna ng lahat ng ito, IKAW AY NAG-IISA. Dito magiging mahalaga ang pananampalataya nyo. Ang panloob na lakas at kung gaano mo kakilala ang iyong sarili. Sabi nila, ang integridad ay ang pag-gawa ng tama kahit na walang nakatingin.
Walang nagbantay sa inyo sa rock concert na ito.
Maaari ninyong isipin na mapagpalaya ito, pero sa totoo, napakalaking responsibilidad ang hinihingi nito sa inyo.
Ito ang mga panahon na mas mahirap maging matapang. Mas madaling mag-oo at sumabay at makibagay na lang sa ibang tao. Mas matapang ang humindi.
Narinig na nating lahat ang #metoo. Harapin niyo man ito o hindi, dapat tayong maging matapang at tumindig para sa sarili. Ano ang pinahahalagahan mo? Gusto mo bang maging “cool” kahit na may mga bagay na hindi makabubuti sa iyo?
Mga kapatid, walang masama sa pagsabi ng HINDI, AYOKO.
Ito ang unang aral ng pang-araw-araw na katapangan: mas may kapangyarihan ka sa bawat pagsabi mo ng hindi, ayoko, mas may kontrol ka.
Pinamumunuan ko noon ang MCHS forensics team at, pagkatapos, ang Ateneo Debate Society. Basta bumiya-biyahe kasi sa mga torneo sa ibang bansa, ang mga kasabayan naming Scottish, Irish, at Aussies ay laging umiinom pagkatapos ng debate rounds. Oo, mabuti na makipag-usap at makipagkilala sa mga panahong ito pero kilala ko rin ang sarili ko at ang kaya ng aking katawan pagdating sa alak. Ako ang killjoy noon, bumabalik kagad sa hotel o sa dorm pagkatapos ng dalawang baso. Pag natalo na sa knock out rounds, ayun, nakikiinom na ko. Pero pag may laban, mahirap mang humindi, alam kong ito ang tamang Gawain. Ayun- di naman nasayang ang pagka anti social ko, Sa Scotland kami ang naging pinakabatang team na umabot sa quarterfinals sa world’s tournament noong panahon na iyon.
4. Ang pagtulong ng kababaihan sa kapwa babae ay malalim na katapangan.
Sabi ni Margaret Thatcher, “Kung gusto mong may masabi, hilingin ito sa lalaki. Kung gusto mong may magawa, sa babae.”
Maraming nagagawa at natatapos ang babae dahil humihingi tayo ng tulong. Kung hindi kaya ng isang nanay sa magsundo ng kanyang anak dahil nasa trabaho sila, may ibang nanay na tutulong. Kung may babaeng nagtuturo at gumagabay sa trabaho, ito ay dahil may nagturo at gumabay rin sa kanila. Alam nating mga babae ang saklaw ng ating makakaya at hindi kaya, ang mga takot at pagkabahala. Alam natin ito sa bawat isa at kaya nating tulungan ang isa’t isa.
Mapalad ako na nagabayan ako ng mga kahanga-hangang mga babae sa aking career tulad nina Vicky Garchitorena na dating taga Ayala Corporation at si Chit Juan na nagtaguyod ng Figaro Coffee and Echo Store. Noong sumama ako sa Shang, sinabihan ako ng aking boss, ang CEO, “Hindi ka pa pala nagtrabaho para sa lalaking boss. Heto ang mga kailangan mong alalahanin…” Pagkatapos nyang magsalita, sinabi ko sa kanya, “Mas madali pala nang di hamak mga hiningi sa akin ng mga babae kong boss!”
Kayang palakasin ng babae ang kapwa babae. Kung may pagkakataon kayo na tulungan ang mas batang babae, gawin ninyo. Habang tumatanda kayo, makikita ninyo na sa pagtulong ninyo sa ibang babae, mas malaki ang maitutulong ninyo sa sarili. Sa isang paraan ito ang ginagawa ko. Natututo ako sa inyo ngayon, nabibigyan ninyo ako ng inspirasyon dahil sa inyong sigla. Naaalala ko kung paano magtagumpay sa mundo, kaya salamat.
5. Ang pinakamabuti at pinakamasaya sa pang-araw-araw na katapangan—ang mangarap ng malaki.
Hindi masamang mangarap. Libre sya at walang mawawala sa atin. Kung mangagarap ka rin lang, dreambig , ika nga! BHAG. Big Hairy Audacious Goal. Mangarap ng Malaki.
Lalong lalo na sa inyo. Lalapit ang mundo sa inyo sa pagtatapos ninyo sa university sa 2022. At umaasa ako na mas hinog tayo sa pagpapalakas ng kababaihan para sa tagumpay nila. Ang usapan ngayon at isinusulong sa buong mundo ay better equality, mas totoong pagkapantay-pantay. Noong 2008 sa Pilipinas, hawak ng babae ang 48% ng matataas na posisyon sa gobyerno, at ilang taong lang na nakalipas, hawak din natin ang 47.6% ng matataas na posisyon sa mga kumpanya. Pang-apat tayo sa mundo sa larangan na ito, at mas nangunguna sa Hong Kong, Singapore, UK o US. Sa 2016, hawak ng Indonesia at Pilipinas ang pangalawa at pangatlong lugar sa listahan ng mga bansa na maraming babae ang may hawak ng mataas na posisyon. Ngayon, 1 sa apat na mataas na posisyon ay hawak ng babae. Pangarap ko na sa 2022, sa inyong pagtatapos, ay nasa 50% na tayo.
Lakihan ninyo ang inyong mga pangarap dahil kaya ninyo, dahil binigyan kayo ng inyong mga magulang ng paraan para makaya ninyo ito.
Mga kapatid, tandaan nyo na ang katapangan ay hindi lamang ang Victory pose. Ang tunay na katapangan ay nasa maliliit na mga bagay. Nasa pang araw araw, Ang ibinahagi kong mga payo sa inyo ay ilan lamang sa mga maaari ninyong gamitin upang maging tunay na matapang. Ano yung 5?
- Magtanong. Humingi ng tulong. (Ask for help)
- Huwag matakot sa kabiguan—mas marami itong maituturo sa atin. (Do not be afraid to fail – it teaches you more than success does)
- Mas matapang ang magsabi ng hindi o ayoko (There’s greater bravery in saying no)
- Bilang babae, tulungan natin ang kapwa babae. (As a woman, help other women)
- Mangarap ng malaki. (Dream big)
Nais kong pasalamatan ang inyong mga magulang, pamilya, at lahat ng nagmamahal sa inyo dahil sa kanilang katapangan at pagmamahal , kayo’y magtatapos ngayon.
Nais ko ring pasalamatan ang inyong mga guro, ang buong adminstrasyon ng MCHS, ang lahat ng hardinero, ang mga guards, ang mga nagsilbi sa inyo sa Caf – dahil sa katapangan at tulong nila, kayo’y magtatapos ngayon.
Bago po ako magtapos, gusto ko lang hingin na tumayo ang lahat ng single parents. Gusto kong kilalanin ang pang-araw-araw ninyong katapangan. Para sa akin, walang tutulad sa single parent pagdating sa paghingi ng tulong, sa pagbukas sa sarili sa kabiguan, sa pagsabi ng hindi kung nararapat, sa pagtulong sa kapwa, lalaki man o babae, at sa pangangarap ng malaki. Isa pong single parent ang nanay ko –at ang matalik kong kaibigang si Mayumi Wada, malamang kilala nyo bilang Ms Wada -
at sa palagay ko maayos naman kami ngayon.
Mga binibini, lumukso tayo. Wag matakot mabigo. Sa buhay, lahat yan ay bahagi ng tagumpay. Yan ang katapangan. Humayo kayo at maging matapang – sa bawat araw araw.
Maraming salamat po.
About Patricia Gallardo Dwyer
She is the Founder and Director of The Purpose Business and has over 15 years of sustainability leadership experience, most recently as Global Head of CSR & Sustainability for Shangri-La Hotels and Resorts. She brought Shangri-La to the forefront of responsible tourism operations, making it the only Asian hotel group to be recognized in the Dow Jones Sustainability Index. She was instrumental in the groundbreaking decision to ban shark’s fin from service and has monetized social impact of all of the company’s community investments. She was the first Corporate Social Responsibility head of Ayala Land, Inc. in the Philippines where she broke ground with its first sustainability report in 2007 and the first-mixed used facility, Nuvali, to be LEED (green building) certified.
She serves on the World Economic Forum Global Future Council on Environment and coaches several charities on strategic fundraising, including Enrich, a Hong Kong-based charity that empowers migrant domestic workers to invest in themselves through financial education. She is a fellow at Asia Society and was recognized as a World Economic Forum Young Global Leader.
She graduated in 1993 from Miriam College Grade School where she was captain of the volleyball team. In MCHS, she was President/Captain of the Forensics Club and has swept some of the very early inter-high school debating competitions. She, along with another fellow Miriam graduate, and an Ateneo debater went on to be the youngest team sent by Ateneo de Manila University to the Austral-Asian Debating Championships only 3 weeks after their freshmen year started. She carried on to lead the Ateneo Debate Society while serving in various roles for Sanggunian, the Ateneo Student Council. In 2001, she graduated in the first batch of Ateneo de Manila’s BA in European Studies and went on to work with Vicky Garchitorena as they both were on load to help then President Gloria Macapagal Arroyo craft her social-environmental agenda. She stayed less than a year before getting accepted on a full country scholarship for a Masters in Globalisation and Governance from the University of Birmingham in the UK. In 2015, she attended the Said Business School’s Transformational Leadership course at the University of Oxford and two weeks ago, she just came from a Global Leadership and Public Policy for the 21st Century program at the John F. Kennedy School of Government at the Harvard Kennedy School.