ABOUT

Miriam College is a premier women's college in the Philippines. Founded in 1924, Miriam College offers programs at the basic, tertiary, post-graduate and adult education levels.

The institution supports specialized centers engaged in curriculum development, research, community outreach and advocacy in the fields of social development, peace education, environmental studies and women’s empowerment.

  • Address : Katipunan Avenue, Loyola Heights Quezon City 1108 Philippines

  • Email Us : info@mc.edu.ph

  • Call Us : (+63 02) 8 930-MCQC (6272)

Send Us a Message

X

MC NEWS & EVENTS

Lizette Sandalo-Cinco | MC Middle School Graduation Speech

Minamahal na Presidente ng Miriam College, Dr. Rosario Lapus. Sister Imelda Bautista of the Maryknoll Sisters. Vice President for Academic Affairs, Dr. Lourdes Baybay. Members of the President’s Council, General Administration, Middle School Administrators, mga guro, magulang, former classmates, panauhin at higit sa lahat ang mga graduates ng Miriam College Middle School batch 2018. Isang maganda at pinagpalang umaga sa inyong lahat.

Lubos po akong nagagalak na makasama kayo sa araw na ito. Dahil natatanaw ko ang mga susunod na magbibigay ng karangalan sa paaralang ito. Ang mga natatanging kababaihan na magaganda, masigasig, matalino, mapagmatyag, at magiging mga huwarang lider ng ating bayan. Ngayon pa lang ako’y nagbibigay pugay na sa inyo.

Tunay kong masasabi na ang araw na ito ay isang pagdiriwang at pagpapasalamat lalong-lalo na para sa mga nagmahal, naniwala at nagtiwala sa inyo. Ang inyong mga kaibigan, guro at pamilyang walang-sawang sumusuporta sa lungkot at ligaya. Sa mga mommies and daddies, ate, kuya, lolo at lola, tita o uncle, ramdam na ramdam ko ang kaligayahan ninyo at masasabi kong isa ito sa mga araw na habang-buhay ninyong maipagmamalaki. Dahil sa inyong walang patid na paggabay at suporta, mula sa pagtulong sa mga exams, projects at assignments. Sa matiyagang pagpunta sa mga school meetings hanggang sa halos walang kapagurang pagtatrabaho para lang makapag-aral ang inyong mga anak sa Miriam College, ang araw na ito ay para rin sa inyo. Ito’y araw din ng pagpaparangal at pagpapasalamat sa inyo dahil kakambal ng pagpupursigi ng mahal nating graduates ang inyong walang-sawang pagtitiyaga, pag-alalay, pagsuporta at pag-unawa, lalong-lalo na sa mga susunod na yugto ng kanilang buhay. Sapagkat ang araw din na ito ay ang simula ng kanilang pagsibol tungo sa pagkilala ng kanilang sarili at kakayahan. Saganang akin ang araw na ito ay makabuluhan dahil ang araw na ito at simula rin ng inyong paglalakbay tungo sa inyong mga pangarap at mithiin sa buhay. Kung kaya pahintulutan niyo akong magbahagi ng ilang karanasan at natutunan ko sa aking paglalakbay sa mga nakalipas na taon.

Sa paaralang ito ako lumaki at nagkaisip dahil mula kindergarten dito na ako nag-aral. Simula pa lang ay mayroon na akong suot na salamin dahil malabo ang aking mga mata. Ang aking natatanging katangian bilang isang estudyante nuon ay pagiging tahimik lalong-lalo na sa recitations at pagtatalumpati. Hanggat maaari ayokong matawag ng aking mga guro sa klase dahil ako’y laging kinakabahan na baka ako’y magkamali at mapagtawanan. Ang gustong-gusto kong gawin ay umakyat ng puno ng calachuchi at umupo sa mga sanga para pagmasdan ang aking paligid. Sabi nga, may sarili akong mundo at ang madalas kong tambayan ay ang Rock Garden para makapaglaro at magmuni-muni. Hanggang sa ako ay mag high school at minsan tinanong ako ng aking ina dahil meron daw nagtanong sa kanya kung Maryknoller nga ba ako. Ngayon kase Maria Katipunera na kayo pero dati Maryknoller ang tawag sa amin. Hindi ko daw kase dinadala ang mga katangian ng isang Maryknoller. Naging palaisipan tuloy sa akin dahil tila inaasahan akong makibagay sa mga uso at trending. Hindi ba pwede na magkaroon ako ng sarili kong katangian na bukod tangi sa karamihan pero taglay pa rin ang tatak ng edukasyon at tradisyon ng Maryknoll o Miriam College? Tinanong ko tuloy ang aking sarili kung ano ba ang nais ko para lang maging bukod tangi sa iba. Ano ba ang malapit sa puso ko na alam kong magpapaunlad sa akin bilang isang indibidwal at bilang isang babae? Dapat bang umayon o makibagay ako sa gusto o inaasahan ng ibang tao para sa akin o sundin ang aking saloobin? Nung ako’y nagkolehiyo pinili ko ang kursong Social Work. Walang nakakaalam nito at nasabi ko lang sa aking mga magulang noong ako’y malapit ng maggraduate. Medyo pasaway ho talaga ako nuon. Nuong una napakahirap ipaliwanag ang desisyon ko dahil wala raw patutunguhan. Paano nalang daw ang magiging kinabukasan ko sabi nila. Pero hindi naman ibang tao ang gagawa ng kapalaran ko kaya minarapat ko na panindigan ang tingin kong makakabuti sa akin. I decided to become the captain of my own faith and stir my own destiny and helping others became my passion and commitment throughout the years. Bagamat maraming luha, problema at malaking bahagi ng aking personal na oras ay ginugol sa ibang tao, di matutumbasan ang nalikum kong karanasan, kaalaman at kaibigan. Nagsimula ako nuon sa mga batang lansangan at kababaihan at nitong mga huling taon tumutok ako sa mga kababayan nating mga OFW na naging biktima ng human trafficking, illegal recruitment, karahasan at diskriminasyon sa ibang bansa. Minabuti kong gamitin lahat ng aking natutunan at nalalaman bilang isang social worker at graduate ng Miriam College para sa mga OFW. Ito ang mas nagpatibay sa aking adhikaing tumulong sa aking kapwa dahil minsan na rin may nagsakripisyo na OFW upang ako’y makapag-aral, tatay ko yun. Marahil kapalaran na rin ang nag-adya ng tamang pagkakataon para makapaglingkod ako sa mga OFW bilang pagpupugay sa aking tatay at tanawin lahat ang kabutihang nagawa niya para sa akin. Sa pagsuot ko ng kauna-unahang pagkakataon ng togang ito, I can confidently say that I have come full circle. This is my first time to wear my college toga. At that time po kase, ah nagkaroon ho kame ng problema, dahil nawalan po ng work ang tatay ko, so the chances of attending the ceremony, malabo. So, ngayon pa lang ho ako nagtoga. Kung kaya aking mga minamahal na graduates, paghandaan ninyo ang mga taon na darating na siyang magtatakda ng inyong kinabukasan. Sa bawat oportunidad na dumating sa inyong buhay, lagi niyong isusulong ang inyong sarili. Embrace growth ika nga. Hindi lamang sa pag-aaral kundi sa pakikipagsapalaran sa buhay. Alamin ninyo kung saan kayo magaling at anong abilidad ang meron kayo na masasabi niyong katangi-tangi. Mahalin at palaguin ninyo ang angking galing, maging ito’y pagdedebate, pagkanta, pagsayaw, pag-arte, pagdrawing o maging ito’y pag-oorganisa at pamumuno. Tandaan ninyo na ang inyong natamong edukasyon sa paaralang ito ay hindi lamang puro facts and figures, bagkus ito’y nakaangkla sa pananalig sa Maykapal, kasarinlan at malayang pag-iisip. Kung kaya nawa’y maging daan ito upang makilala niyo ang inyong indibidwalidad at direksiyon. Sa lahat ng pagkakataon maging matatag kayo, bukod sa lakas ng loob, ang inyong katatagan ang magdadala sa inyo at inyong adhikain sa buhay. Di maiiwasan na may pagsubok na darating upang makamit ang inyong tagumpay. Anyone who dreams big will encounter those who think small. Anyone who dares to step forward will always find those who would rather stay put. And anyone who thinks they can will always hear from those who doubt. Pero huwag matakot makipagsapalaran, mabigo, masaktan at muling bumangon upang maging ganap ang inyong pagkatao. Higit sa lahat, lagi niyong iisipin na bawat isa sa inyo ay may kakayahang makamit ang inyong tagumpay at pangunahan ang anumang larangang inyong pipiliin. Marami sa inyo ang mangunguna sa industriya ng agham, teknolohiya at kung saan kayo ay magkakaroon ng pagkakataong gamitin ang inyong angking talino upang maging makatotohanan ang dati’y mga pangarap at kathang- isip lamang. Ang iba naman sa inyo ay magiging abogado, doktor, arkitekto, o kaya makikilala sa sining at kultura. Ano pa man ang pipiliing karera, huwag ninyong palalampasin ang mga pagkakataong maging inspirasyon sa iba. Maging ehemplo kayo sa pag-uugali, diwa at layunin. Himukin niyo rin ang ibang tao na mangarap, mag-aral at magpursigi upang malampasan nila ang kanilang inaakalang limitasyon. Maging huwaran kayo sa ibang kabataan lalo na sa may marubdob na hangaring mapabuti ang ating mundong kinagagalawan. Siguro naiisip niyo napakahirap naman ng aking mga sinasabi, natural lang yon. Huwag kayong mag-alala dahil patunay lang yan ng inyong kababaang-loob at tahimik na determinasyon na makamit ang inyong mga layunin sa buhay kung kaya lagi ninyong tatandaan na nasa inyong mga kamay kung paano at kailan kayo magiging matagumpay. Everything in life happens according to your time, your clock. Kailangan niyo lamang maniwala sa inyong mga sarili. Always and never fail to believe in yourself. At habang kayo ay patuloy na tumatahak sa daang tungo ng inyong katuparan ng mga pangarap at layunin, nawa’y ibahagi ninyo ang inyong panahon, talino at kakayahan tungo sa pagtulong at pagsisilbi sa kapwa ng buong puso’t isipan.
So, let me end with my wish for all of you. In your life, may you embrace growth, excellence, independence, courage, and servant leadership in all the things that you do. With this blessing, may you go forth and do great things. Edukasyon at tradisyong Miriam ikarangal at isabuhay natin. Congratulations and best wishes to you Class of 2018. Mabuhay kayong lahat.

 


 

About the Graduation Speaker
Lizette Sandalo-Cinco

She is an Amazing Alumni Achiever, who is a true-blue Maryknoller, having graduated from the Grade School in 1986, High School in 1990, and College in 1994.

Lizette, who has chosen the path of service to a wide spectrum of marginalized sectors. In her commitment to positive social change, she has conducted counselling, values formation, leadership training, livelihood development and other care services for youth offenders and homeless and abused children, students, urban poor women, farmers, and fisher folk, and above all, overseas Filipino workers and their families.

As Welfare Services Director of the non-profit organization KAMPI (Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Inc.-Kabalikat ng OFW, Inc.) for the past ten years, Lizette has created programs and services to assist OFW’s from pre-departure preparedness to rights awareness, financial management and legal assistance. These programs also include research, documentation, publication and advocacy to increase public awareness of the plight of OFW’s.

Herself the child of a pioneer migrant worker, Lizette knows first-hand the need to minister to families orphaned by their bread winners—who, in turn, are struggling with their own physical, emotional and mental needs in their new environments. Her work asserts the value of human growth and dignity hand in hand with the aspiration for economic security.

Related

Share

Search with Keywords

Search any topic in MC News by typing keywords below and click Search.

 

Browse News from each Unit

Search news by choosing a category below.

 
Subscribe to MC News
Name